Mga consumer, dapat may kinatawan sa mga regulatory bodies

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat magkaroon ng kinatawan ang mga consumer sa lahat ng mga regulatory bodies tulad sa kuryente, tubig, transportasyon at iba pang public utilities.

Halimbawa nito ang Toll Regulatory Board (TRB), Energy Regulatory Commission (ERC), Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), Local Water Utilities Administration at National Telecommunications Commission (NTC).

Kasama din dito ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Civil Aeronautics Board (CAB) at Maritime Industry Administration (MARINA).


Sabi ni Recto, maari ding saklawin ng kanyang mungkahi pati ang mga paliparan tulad ng Ninoy Aquino International Airports at Philippine Ports Authority.

Ayon kay Recto, ito ay para matiyak na maikokonsidera ang kapakanan at kaligtasan ng mga consumers sa mga patakarang ipinapatupad ng bawat regulatory body.

Base sa suhestyon ni Recto, ang consumer representative ay itatalaga ng Pangulo at dapat kilala ito na may ipinaglalabang adbokasiya para sa sektor na kanyang kakatawanin.

Facebook Comments