Mga dayuhang barko na dadaan sa karagatang sakop ng bansa, dapat lang humingi ng permiso

Buo ang suporta ni Senate President Ralph Recto sa deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na humingi muna ng clearance mula sa pamahalaan ang mga dayuhang barko na dadaan sa karagatang sakop ng ating teritoryo.

 

Paliwanag pa ni Recto, ang naturang patakaran ay ipinapatupad sa sarili nating mga barko kaya makatwiran din na sumunod dito ang mga foreign vessels.

 

Diin ni Recto, hindi naman kalabisan ang hiling ni Pangulong Duterte.


 

Katwiran ni Recto, ito ay respeto na dapat ibigay sa atin ng ibang mga bansa katulad ng pagrespeto natin sa mga umiiral na international laws.

Facebook Comments