MGA DUMATING NA REPATRAITED AKLANON OVERSEAS WORKERS 1 POSITIBO SA COVID-19

Kalibo, Aklan – 1 sa 37 repatraited Aklanon overseas workers na dumating sa Aklan noong April 30, 2020 nag positibo sa Corona Virus Disease COVID-19.
Kinunpirma ito ni Provinicial Health Officer 1 Dr. Cornelio Cuachon Jr. matapos lumabas ang specimen samples confirmatory test results nito kahapon.
Ayon kay Dr. Cuachon ang nasasabing OFW’s ay ililipat na nila sa Aklan provincial hospital for confinement.
Dagdag pa niya na sa tatlumpu’t pitong repatriates na kinunan ng specimen samples for confirmatory tests isa pa lang ang inireport ng Western Visayas Medical Center na positibo sa nasabing virus at ang iba ay wala pang resulta.
Wala naman aniyang dapat ikabahala ang mga Aklanon ayon kay Dr. Cuachon na magkaroon ng local transmission sapagkat mula ng dumating ang nasabing mga repatriated OFW’s ay nakaisolate na kaagad sa isang hotel ang mga ito.
Hindi din nila aniya hahayaang makabalik ang nasabing mga repatriates sa kani-kanilang pamilya habang hindi nasisiguro ng PHO-Aklan na negatibo ang mga ito sa COVID-19 infections.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARBvfhufDgho4G6-TlfL8oiIiMOigzbBNzqaBKEpv0RK7sms93bjM0VEE9s24lck0IOjIToZk65bFnWVssQ3b6fZobExZJ0kVk6tlXVj2vIgtdJ8y2m2…> #RmnDykrKalibo <www.facebook.com/hashtag/rmndykrkalibo?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARBvfhufDgho4G6-TlfL8oiIiMOigzbBNzqaBKEpv0RK7sms93bjM0VEE9s24lck0IOjIToZk65bFnWVssQ3b6fZobExZJ0kVk6tlXVj2vIgtdJ…>

Facebook Comments