Kalibo, Aklan — Required nang magpabakuna simula ngayong araw ang mga empleyado sa pampubliko at pribadong sektor sa probinsya ng Aklan. Ito ay base sa bagong Executive Order No. 003 s 2022 na inilabas ni Aklan Governor Florencio T. Miraflores kahapon at bilang pagsunod na rin sa Resolution No. 148-B, Series of 2021 ng National Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na dapat ay bakunado ang mga empleyado ng pampubliko at pribadong sektor (permanent, contractual, job orders, trainees, etc). Nakasaad sa nasabing E.O. na ang mga empleyado na hindi bakunado ay hindi maaaring tanggalin sa trabaho pero kailangan na magpakita ng negative RT-PCR test sa bawat dalawang linggo at ang magbabayad ay ang empleyado. Required rin na magpabakuna ang mga empleyado at workers sa transport sector bilang kondisyon sa patuloy nilang operation. Pwedeng ma-exempt ang isang empleyado kapag merong ipapakitang Medical Certificate galing sa Rural Health Unit, City Health Office, Provincial Health Office at Birth Certificate na nagpapatunay na hindi sila pwedeng bakunahan. Nakalagay din sa E.O. na ang mga fully vaccinated ay bibigyang prayoridad sa mga programa at serbisyo ng gobyerno.
Facebook Comments