Iginiit ni Senator Koko Pimentel na hindi dapat gipitin o pahirapin pa lalo ang buhay ng ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “No vaccine, No ride” Policy.
Mungkahi ni Pimentel, ang dapat pairalin ay ang “Vaccination of the willing!” kung saan mainam na bigyan ng insentibo ang mga magpapabakuna.
Paalala ni Pimentel, may freedom of choice ang mamamayan kaya hindi dapat pilitin ang mga ayaw magpa bakuna dahil sa medical o religious reason o kung wala lang talagang bilib sa mga bagong COVID-19 vaccines na under experimental use authorization pa.
Diin ni Pimentel, wala ring batas na mandatory ang COVID-19 vaccine dahil kung mayroon man mapasa na ganitong batas, iyon ay unconstitutional.
Ipinaalala pa ni Pimentel na ang mga bakunado ay pwede rin magkasakit ng COVID-19 at maging carrier ng virus.