Delay na COVID-19 vax certificate, dahil sa backlogs – DILG

77

Pito lamang sa sampung tao ang nakakakuha ng COVID-19 vaccination certificate sa pamamagitan ng VaxCertPH portal dahil sa backlogs sa pag-upload ng data.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, ilang Local Government Units (LGUs) ang mas nakatuon sa vaccination program kaysa sa pag-update ng datos sa online portal.

Dahil dito, pinayuhan na lamang ni Malaya ang mga hindi pa nakakukuha ng kopya ng kanilang vaccination certificate na ipresenta lamang ang kanilang vaccination cards oras na inspeksyunin.


Nabatid na ilang LGUs na ang nagpasa ng mga ordinansang nagpapatupad ng mga paghihigpit sa mga hindi pa nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments