DOH, nakapagtala ng higit 37,000 na panibagong kaso ngayong araw

49

Nakapagtala ng 37,207 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 34,021 na kaso kahapon kung saan ito na ang pinakamataas na naitalang kaso simula nang tumama ang COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 3,129,512 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 265,509 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 9,027 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,811,188 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 52, 815 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 81 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 12 habang may walong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments