Umaabot na sa 25,000 hanggang 27,000 pasahero kada araw ang dumarating sa iba’t ibang paliparan sa bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang datos na ito ay malayo sa dating average na 5,000 daily passenger arrivals mula nang buksan ng bansa ang border nito sa mga turista noong Marso.
Dagdag pa ng ahensya, inaasahan nilang dadagsa pa ang mga international passenger sa lahat ng international port sa susunod na taon, kasunod ng pagluwag sa COVID-19 restriction.
Samantala, handa na ang BI sa pagbubukas ng international airports sa Kalibo at Caticlan sa Aklan kung saan ilang flights ang manggagaling mula o papuntang Taiwan ngayon Disyembre.
Nakatakda na rin ngayong araw ang kauna-unahang flight mula Caticlan patungong Taipei ng Royal Air.
Facebook Comments