MGA KENDI NA ITSURANG SIGARILYO, KINUMPISKA SA MGA ESTUDYANTE

Kinumpiska ng mga guro mula sa mga estudyante ang mga kending hugis sigarilyo na may packaging na ginagaya ang mga brands ng mga tobacco products sa sa isang paaralan sa Mountain Province.

Ayon sa Guinzadan Elementary School, ang mga estudyante ay bumili ng naturang produkto sa mga tindahan.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng ng Baguio City ang i-report ang mga establisyimento na na nagbebenta ng mga naturang produkto.

Ito ay ay paglabag sa City Ordinance Number 34 na nagsasaad na, bawal ang pagbebenta o pamamahagi ng mga kendi, meryenda, laruan, o anumang iba pang bagay sa anyo ng mga produktong tabako na maaaring makaakit sa mga menor de edad.

Panawagan ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, Tobacco Control Coordinator sa mga magulang na bantayan ang binibili ng mga anak at wag bumili ng naturang produkto.

Aniya ang mga produktong ito idinesenyo upang akitin ang mga bata na bumili at gayahin ang paninigarilyo.

Dagdag pa niya, maaaring mabiktima ang mga bata sa adiksyon sa sigarilyo kung magpapatuloy ang bentahan nito sa merkado.

Facebook Comments