SK FEDERATION ISABELA, PABOR SA PAGSUSUMITE NG RESUMÉ NG BSK CANDIDATES

21
Pabor si SK Federation President Dax Paolo Binag ng Isabela sa panukalang pagsusumite ng resumé ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ito aniya ay upang makilatis ang mga aspiring candidates sa halalang pambarangay bilang isang botante.

Una na aniyang nagkaroon ng pagbabago sa panuntunan sa mga SK officials kung saan itinaas ang edad ng mga dapat tumakbo sa halalan.

Paliwanag pa ni Binag, maituturing na dividing factor kung ano ang magiging laman ng isang resume ng isang kandidato.

Dagdag pa niya, paraan ito para Makita pa ang kwalipikasyon ng isang opisyal.

Paraan din ito upang mas mapadali ang pagsusuri ng mga botante sa mga kandidato.



Ayon kay Binag, isang key factor ito sa mga kandidato.

Samantala, iginiit naman nito na magpapatuloy ang serbisyo sa publiko sa kabila ng usapin sa pagpapaliban sa nakatakdang barangay at sangguniang kabataan eleksyon sa Disyembre.

Facebook Comments