Tuesday, February 3, 2026

Mga kilalang contractors sa bansa, kukunin ng DPWH para sa rehablitasyon Maharlika Highway

Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) na kanilang kukunin ang mga pinakamalaki at kinikilalang contractor sa bansa para pabilisin at masigurong de-kalidad ang gagawing rehabilitasyon ng Maharlika Highway.

Ang desisyon ng DPWH ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na matapos ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway sa loob ng dalawang taon.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, hindi na nila uunahin kunin ang maliliit na contractor at ang mas malalaking kumpanya ang papalit sa mga ito para sa naturang proyekto.

Kabilang sa mga nabanggit na posibleng kunin para sa pagsasaayos ang EEI Corporation at Megaworld Corporation.

Sinabi pa ni Dizon, kakausapin niya ang mga kinatawan ng dalawang kumpaniya na napag-alaman na hindi sumasali sa mga bidding kapag may proyekto ang DPWH.

Layunin ng DPWH na mapabilis ang pagkukumpuni sa tinatawag na economic backbone ng bansa at mapaganda pa ang ang biyahe gayundin ang mga kargamento sa mga pangunahing ruta.

Nabatid na nadismaya ang kalihim matapos makita ang kondisyon ng highway ng mag-ikot mula Bicol hanggang Samar.

Facebook Comments