MGA KOREANS, NANANATILING TOP FOREIGN VISITOR SA ISLA NG BORACAY

Malay, Aklan – Nananatili pa rin ang mga Koreans ng South Korea na top foreign visitors sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Marso. Ito ay matapos na maitala ay mahigit 13K na bilang ng mga Koreans na nagbakasyon sa isla ng Boracay nitong buwan ng Marso. Mas mataas ito kung ikumpara sa pinagsamang foreign tourist arrival ng isla mula sa mga bansang USA (3641), Taiwan (1689), Australia (1497), China (1383), Germany (1138), at Russian Federation (1073). Ayon sa Department of Tourism (DOT) 6, na dahil sa direktang biyahe ng eroplano mula Incheon, Korea papuntang Kalibo Airport ang dahilan ng mataas na numero ng mga Koreano. Sa ngayon, umabot na sa 185, 000 ang kabuuang tourist arrivals sa isla kung saan 36,000 dito ang foreign tourist arrival habang nananatiling mataas naman ang domestic tourist arrival na nasa 144,669.
Facebook Comments