Nagpahayag ng pagkondena ang mga lider sa ASEAN Gulf Cooperation Council o GCC sa nangyayaring karahasan sa Middle East.
Ang pagkondena ay ginawang mga lider kasabay ng ang opisyal na pagbubukas ng kauna unahang ASEAN Gulf Cooperation Coucil Summit sa Riyadh Saudi Arabia.
Mariing kinondena ng mga lider ang pagkasugat at pagkamatay ng mga sibilyan kabilang na ang mga ASEAN nationals dahil sa karahasan.
Nanawagan ang mga lider sa agarang paghinto ng karahasan at pagrespeto sa International Humanitarian Law.
Hiling din sa lahat ng partido na lumikha ng ligtas na humanitarian corridors.
Sinusuportahan din ng ASEAN ang mga panawagan para sa negosasyon ng Israel at Palestine para maresolba ang ugat ng gulo.
Hinikayat din ng mga ito ang international community na suportahan ang peace process upang masiguro ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Facebook Comments