Mga Lokal na Imbensiyon Tampok Ngayon sa Cauayan

Tampok na tampok ngayon ang mga likha ng mga lokal na imbentor sa Rehiyon ng Cagayan Valley sa kasalukuyang ginaganap na Regional Science and Technology Week sa Lungsod ng Cauayan.

Ang selebrasyon na may temang “Science for the People” ay pangunahing isinasagawa ng Department of Science and Technology Regional Office Number 2 na nakabase sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa mismong pagdalaw ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team sa Cauayan City Hall kung saan idinadaos ang pangkaramihang aktibidad kaugnay sa naturang selebrasyon ay napag alamang sari saring mga programa ang nakahanay upang mapalawig ang paghanga sa mga lokal na imbensiyon at mga makabagong teknolohiya para sa mga estudyante o sa mga magsasaka man.


Ang mga aktibidad na kabilang ay ang pagtatampok ng mga imbensiyon na karamihan ay laan sa agrikultura, lectures, exhibit, forum, pagsasanay at mga iba ibang patimpalak ay nagsimula noong Agosto 14 at magtatapos sa Agosto 18 sa taong kasalukuyan. Karamihan sa mga aktibidad ay sa harap at loob ng Cauayan City Hall na puedeng mabisita ninuman na nasa malapit na lugar.
Naging panauhin sa unang araw ng aktibidad si Ginang Brenda L. Nazareth-Manzano ang Panrehiyong Direktor ng Department of Science and Technology at Undersecretary for Regional Operations ng naturan ding tanggapan.


Facebook Comments