Mga makikiisa sa transport strike, binalaan ng LTFRB

Manila, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga makikiisa sa tigil-pasada ngayong araw.

Sabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, posibleng suspendihin o kanselahin ang prangkisa ng mga operator at driver ng jeep na sasali sa malawakang kilos protesta.

Pinaalalahanan din nito ang mga driver ng jeep na huwag takpan ang kanilang mga plate number tuwing nasa kilos protesta.


Lalabagin kasi ng mga ito aniya ang kautusan ng Land Transportation Office na dapat ay nakalantad sa publiko ang plaka ng mga sasakyan anumang oras.

Facebook Comments