Manila, Philippines – Lubhang ikinadismaya ng grupong Trade Union Congress of the Philippines o TUCP ang hindi pagsama ni pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA kahapon.
Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay umaasa ang lahat ng mga manggagawa na mababanggit ng pangulo sa kanyang SONA ang usapin ng Kontrakwalisasyon pero kahit umano sa dagdag sahod sa mga manggagawa ay hindi nito binigyan ng prayoridad.
Paliwanag ni Tanjuasay malaki ang inaasahan ng mga manggagawa kay pangulong Duterte na susuportahan sila pero mabigo umano ang pangulo na bigyan ng pag-asa ang mga manggagawa.
Giit ni Tansujay muli nilang igigiit sa pangulo ang kahilingan ng mga manggagawa na tuluyan ng alisin ang Kontrakwalisasyon upang hindi na mahihirapan ang mga mahihirap na Filipino na maghanap ng ibang pagkakakitaan dahil sa usapin ng Kontrakwalisasyon.