Mga myembro ng SSS na apektado ng bagyo maaaring mag avail ng calamity loan

 

Nagpapatuloy ang pagbibigay ng calamity loan assistance program ng Social Security System para sa kanilang mga myembro at maging sa mga pensioners.

 

Kasabay ito ng pananalasa ngayon ng bagyong tisoy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

Sa economic briefing sa Malacañan, sinabi ni SSS Fixed Income Investments Division vice president Boobie Angela Ocay na maaaring mag-apply ng calamity loan sa lahat ng branches ng ahensya…


 

Kailangan lamang aniyang magdala ng Brgy. Certification upang patunayan na residente sila ng lugar na napinsala ng kalamidad.

 

Bukod pa riyan, ipinaliwanag din ni Ocay na bago makapag-apply ng panibagong loan, dapat ay nabayaran na muna ng SSS members at pensioners ang nauna nilang inutang.

 

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng SSS na nagpapatuloy ang calamity package nila para sa mga naapektuhan ng magkakasunod na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong nakaraang buwan.

 

Maaaring mag-apply ng naturang loan hanggang Pebrero ng susunod na taon.

Facebook Comments