Mga na-dismiss at AWOL na pulis, imo-monitor ng PNP sa paglansag ng private armed groups

Pinare-review ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang listahan ng lahat ng pulis na na-dismiss sa serbisyo o Absent Without Leave (AWOL) bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa private armed groups.

Ayon kay Azurin, tinitignan nila ang mga rekord ng mga pulis na natanggal sa serbisyo na highly skilled sa paghahawak ng armas.

Ganito aniya ang ginagawa sa Estados Unidos para mabantayan ang aktibidad ng mga ito sa labas ng organisasyon.


Samantala, sinabi pa ni Gen. Azurin na pinaniniwalaang mga dating sundalo ang 8 nalalabing at-large na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, matapos na lumabas na mga dating sundalo ang unang apat na nahuli.

Paliwanag ng opisyal ang mga private armed groups ay kalimitang binubuo ng mga dating pulis o sundalo na na-dismiss sa serbisyo.

Facebook Comments