MGA NAGBEBENTA NG MAS MAHAL PA SA SRP NA FACE SHIELD, PINAGPAPALIWANAG!

Baguio, Philippines – Sa isinagawang inspection sa higit na 130 na establisimyento sa Lungsod ng Baguio, noong Agosto 20, ng Department of Health Cordillera (DOH-CAR),  Department of Industry Cordillera (DTI-CAR) at ng Permits and Licensing Division ng City Mayor’s Office, para sa mga nagbebenta ng FaceShield na higit pa sa Suggested Retail Price (SRP), 51 ang nahuling nagbebenta ng mas mataas sa dapat.

Ang 51 na establisimyento ay binigyan ni PLD Head Allan Abayao ng Letters of Inquiry (LOI) kung saan inaasahan mabibigyan ng paliwanag ang DTI at PLD mula sa mga ito kung bakit may kamahalan ang kanilang itinitindang face shield na higit pa sa SRP.

Matatandaan namang nagbigay ng order na crackdown para sa mga establisimyento at mga tindahang umaabuso at nagbebenta sa faceshield sa mahal na halaga at bukod sa crackdown, mabibigyan din ang mga ito ng Notice of Violation (NOV) na may mga sanction at penalties.


Samantala, 79 sa 130 na establisimyento ay nanatiling tapat sa ibinigay na presyo ng DOH-CAR na SRP na P26 hanggang P50 lamang at patuloy sa pagmomonitor ng mga inatasang ahensya ng Gobyerno sa mga establishimyento sa darating na araw.

Facebook Comments