Mga nasa likod ng pananambang sa hepe ng Ampatuan, Maguindanao, tukoy na ng PNP

71

Kilala na ng Philippine National Police (PNP) ang mga suspek na nasa likod ng pananambang sa chief of police ng Ampatuan, Maguindanao at mga kasamahan nito kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., 6 ang suspek na natukoy nila at puspusan ang ginawa nilang pagtugis sa mga ito.

Sinabi ni Azurin na hindi na muna nila isasapubliko ang pagkakakilanlan ng mga ito hangga’t hindi sila nadarakip.


Kasunod nito, umapela ang heneral sa publiko na mag-ingat at i-report sa mga pulis ang mga kahinahinalang tao sa kanilang lugar.

Nabatid na maghahain lang sana ng warrant of arrest ang hepe ng Ampatuan Police na si PLt. Reynaldo Samson at mga kasamahan nito nang pagbabarilin ang police patrol na kanilang sinasakyan.

Maliban kay PLt. Samson, nasawi rin sa insidente si PCpl. Salipuden Endab habang nasugatan naman sina PCpl. Rogelio Dela Cuesta Jr., at PCpl. Marc Clint Dayaday.



Facebook Comments