Walo na ang iniulat na namatay sa magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Mindanao.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC
Lima sa mga ito ay sa Cotabato, habang tig-isa naman sa Davao Del Sur at South Cotabato.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nananatili naman ang bilang ng mga nasugatan sa 395, habang hindi parin natatagpuan ang 2 iniulat na nawawala.
Samantala, 2,704 na istraktura naman ang nagtamo ng pinsala sa lindol 5126 na pamilya o 25,630 na indibidual naman ang apektado sa 59 na baranggay sa Region 11 at 12, kung saan 2552 pamilya o 12,760 na indibidual ang nasa 19 na evacuation Center, habang 1,342 pamilya o 6,710 na indibidual naman ang tumatanggap ng tulong sa labas ng evacuation center.