Mga natitira pang POGO sa bansa, dapat tiyaking mapapalayas

Pinatitiyak ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila de Lima na mapapalayas sa bansa ang lahat ng natitira pang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Giit ito ni De Lima kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act No. 12312 o Anti-POGO Act of 2025.

Diin ni De Lima, napakaraming perhuwisyo ang idinulot ng mga POGO — mula sa mga krimen, katiwalian, pang-aabuso, at banta sa pambansang seguridad.

Ayon kay De Lima, dapat ipatupad nang mahigpit ang batas upang hindi ito mapaikutan o mabaluktot, at tuluyang masiguro na hindi maipagpapatuloy ang operasyon ng POGO sa hunyangong paraan o sa ibang anyo.

Facebook Comments