BUS TERMINALS SA DAGUPAN CITY KAHAPON, DINAGSA PAGKATAPOS NG LONG WEEKEND

Dinagsa sa inaasahang huling araw na may pinakamaraming dagsa ang mga bus terminals sa Dagupan City ng mga taong magsisibalikan na sa kani-kanilang mga pook na pinagtatrabahuhan.
Maaga pa lamang kahapon ay nagsidatingan na ang mga taong pabalik sa kanilang mga pinagmulan matapos ang pakikilahok sa BSKE at pagdaos ng Undas kasunod pa ng long weekend.
Ayon sa mga maagang bumyahe, hindi na raw nila hinintay ang last hour na byahe, bagamat mabilis ay tiyak daw umano ang siksikan sa mga oras na iyon.

Ayon naman sa ilang mga kawani ng bus companies, sunod daw na inaasahang muling pagdami ng mga taong uuwi ay sa susunod mismong buwan ng Disyembre upang ipagdiwang naman ang bagong taon.
Samantala, sa Dagupan City, naging maayos ang kinahinatnan ng BSKE at Undas 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments