Kalibo, Aklan- Kasabay ng pagbubukas ng klase sa lunes August 22, namahagi ang LGU Kalibo ng mga bags at school supplies sa mga public schools sa bayan. Ayon kay Kagawad Mark Sy ng Municipal Barangay Affairs na natanggap na ng halos lahat ng 16 barangays ang mga gamit pang eskwela para sa mga bata. Napag alamang ang pamunuan na mismo ng paaralan ang pipili sa mga recipient nito na lubos na nangangailangan dahil limitado lamang ang mabibigyan. Aabot sa 3,000 na bags na may lamang notebook, papel, crayons at iba pa ang kabuuang ipinamahagi sa pangunguna Mayor Juris Sucro. Dagdag pa ni Sy na handa na ang bayan ng Kalibo sa pagbubukas ng face to face classes matapos makipagpulong sa mga stakeholders tulad ng DEPED, PNP, MHO, Barangay Council at iba pa.
Facebook Comments