Tuesday, November 24, 2026

PBBM, kumasa sa tennis rally kay Alex Eala

Nasubok ang tennis skills ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang makipagpalitan siya ng palo sa World No. 15 tennis star na si Alex Eala sa homecoming celebration nito sa Pasig City.

Sa unang salang, nagkaroon agad ng double fault ang pangulo.

Hindi naman sumuko si Marcos at muling sinubukang makipagpalitan ng bola kay Eala. Hanggang sa nakabuo ang dalawa ng maikling rally.

Nagpakawala pa si Eala ng top spin shot na sinubukan ding saluhin at sagutin ng pangulo.

Naging isa ito sa mga tampok na sandali ng homecoming celebration ni Eala na dinaluhan din ng kapwa Olympians at MILO Ambassadors na sina Hidilyn Diaz at EJ Obiena.

Isinagawa ang homecoming bilang pagkilala sa makasaysayang tagumpay ni Eala sa international tennis matapos maabot ang career-high ranking na World No. 15 sa Women’s Tennis Association (WTA).

Nagsimula rin ang tennis journey ni Eala sa Pasig City bago niya nakilala ang tagumpay sa international tennis scene.

Facebook Comments