Mga pasaherong papuntang probinsiya, dagsa na sa NAIA 3

Mahaba na ang pila ng mga pasaherong papuntang probinsiya sa NAIA Terminal 3 kaninang madaling araw.

Kapansin-pansin ang dami ng mga pasahero sa check-in counter ng departure area para sa mga domestic flights.

Kabaliktaran ito ng mas kakaunting pila sa check-in counter para sa international flights.


Kahapon nag-ikot ang mga kinatawan ng gobyerno sa NAIA 3, sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT) at Department of Migrant Workers (DMW).

Sinilip nila ang lagay ng terminal kabilang ang arrival area, TNVS hub at OFW Lounge.

Inaasahan ang dagsa ng mas maraming pasahero sa parehas na arrival at departure ng NAIA Terminal 3 simula ngayong araw hanggang sa Semana Santa.

Facebook Comments