Intelligence-driven efforts ng PNP, mas pinalakas para matukoy ang grupo na nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Chinese

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mismong si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang tumututok sa imbestigasyon hinggil sa pagdukot at pagpatay sa Chinese businessman na si Anson Que at kanyang driver.

Ipinaaabot din ng PNP ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng mga biktima at sa buong Filipino-Chinese community, kasabay ng paninigurong hindi patatagalin ang imbestigasyon sa naturang krimen.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bahagi ng hakbang ng PNP ay ang pagpapalakas ng intelligence-driven operations upang matukoy ang grupong posibleng nasa likod ng pagdukot.

Hinimok din ng PNP ang Filipino-Chinese community na makipagtulungan sa imbestigasyon.

Giit ng Pambansang Pulisya, hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga nasa likod ng krimen upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Facebook Comments