Mga Pinoy sa Israel, pinag-iingat ng Philippine Embassy sa pagdiriwang ng Jewish holiday doon

Pinag-iingat ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Israel kaugnay ng pagdiriwang doon ng 3 araw na Purim o Jewish holiday mula ngayong araw.

Pinapayuhan ng Embahada ang mga Pinoy doon na maging mapagmatyag at iwasan magtungo ng Damascus Gate, paligid ng East Jerusalem, Temple Mount, Musrara Road, Al Wad Road at Herod’s Gate.

Pinadidistansya rin ang mga Pinoy sa Israeli Security Forces na nakapwesto sa mga nabanggit na lugar na itinuturing na sensitibong mga lugar.


Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Israel na kapag may nangyaring kaguluhan ay agad na magtago o di kaya ay lisanin agad ang lugar.

Pinag-iingat din sila ng Embahada sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon at pinaiiwas na kumuha ng larawan sa mga nangyayaring kaguluhan

Facebook Comments