Wednesday, November 25, 2026

Pilipinas, wala pang pinal na kasunduan sa trade deal sa us taliwas sa pahayag ni ni US President Donald Trump—Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na wala pang pinal na kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos na sa US kukunin ang lahat ng pangangailangan ng bansa sa agrikultura at enerhiya.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni US President Donald Trump na simula Enero 1, 2027, ay 100% ng agricultural products at energy requirements ng Pilipinas ay manggagaling sa Amerika.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, napag-uusapan pa lamang ang pagpapabilis ng mga posibleng transaksyon at wala pang timeline.

Dagdag ni Castro, hinihintay pa ng Pangulo ang rekomendasyon ng mga miyembro ng Gabinete bago magtakda ng mga susunod na hakbang.

Binigyang-diin din ng Malacañang na hindi limitado sa US ang pagpipilian ng Pilipinas sa pagbili ng pagkain at enerhiya.

Mananatiling malaya ang bansa na kumuha ng suplay sa ibang merkado depende sa kung saan ito higit na makikinabang.

Facebook Comments