Kalibo, Aklan – Ban muna ang mga produktong karne na galing sa Mindanao na papasok dito sa probinsya ng Aklan.
Ito ay base sa ipinalabas na Memorandum Order No. 031 ni Governor Florencio T. Miraflores para protektahan ang swine industry ng probinsya.
Ang nasabing pre-emptive banning ag epektibo na ngayong buwan ng Pebrero 2020.
Kung maalala, naitala ang unang kaso ng African Swine Fever sa Mindanao partikular sa Davao Occidental kung saan umabot na sa 1,000 ang mga namatay na baboy na nagpositibo sa ASF.
Dahil dito, mahigpit ngayon ang ginagawang pagbabantay sa mga paliparan at pantalan para walang makapasok na karne ng baboy na maaring merong sakit na ASF.
Sa ngayon ay nanatiling ASF free pa ang buong Western Visayas pero nag apela rin ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) sa susporta ng publiko na huwag magdala ng mga produktong sakop ng ban.
Mga produktong karne mula sa Mindanao, ban muna sa probinsya ng Aklan
Facebook Comments