Kalibo, Aklan — Tinututulan ng mga residente at negosyante ang planong pagbubukas ng bagong casino sa isla ng Boracay.
Ito ay matapos na bigyan ni pangulong Rodrigo Duterte ng go signal ang operasyon ng casino sa isla.
Ayon sa mga residente at negosyante na sa halip na pagtatayo ng pasugalan ay dapat ang pagtuunan ng pansin ng pangulo ay kung paano sila mabigyan ng pangkabuhayan dahil sa lubos silang naapektuhan ng sunod sunod na lockdown dahil sa pandemya.
Dagdag pa nila na dapat paigtingin ang pagbabakuna sa kanilang lugar para muli itong mabuksan sa publiko ang turismo at hindi ang casino.
Matatandaan na una ng sinabi ng pangulo na ginawa ito ng pangulo para na makakalap ng dagdag nap undo lalo nat malaki ang gastusin ngayon ng gobyerno dahil sa pandemya.
Mga residente at negosyante sa Boracay, tutol sa pagbukas ng casino
Facebook Comments