Mga residente ng interior Mabini Bagua tres nabulabog dahil sa iniwang IED

Nabulabog kagabi ang mga residente ng interior Mabini barangay Bagua tres makaraan makita ang iniwang Improviced Explosive Device kagabi 7:55 particular sa tapat ng Marasigan residence. Ayon kay City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio, nakasilid umano sa kulay yellow na cellophane ang pinaniniwalaang IED, na napansin ng ilang civilian at kaagad na ipinagbigay alam kay Kap.Bimbo Diolanen at mabilis na tumawag sa PP1 at PNP Bomb Squad. Sa pagdating ng BombSquad 8:55 kagabi ay nagpasya silang magsagawa ng disruption sa naturang pinaniniwalaang IED gamit ang water disruptor bago paman ito sasabog. Subalit pumalya ang unang disruption at hindi nawasak ang mga component ng IED kayat 9:45 kagabi ay nagsagawa muli ng disruption at nilagyan ng water disruptor ang IED at ditto na nasira ang mga wirings, at ditto nabatid na ang IED ay binubuo ng 81mm mortar, blasting cap,battery at diumanoy shabu ngunit nakumpirmang mga tawas pala. Sa ngayon ay blanco ang kapulisan kung sino ang nag iwan ng IED sa nataong lugar at dikit dikit na bahay, Blanco din si Kap.Bimbo Diolanen kung anu ang motibo ng mga nag-iwan ng bomba.

Facebook Comments