Mga Senador, pinatatanggalan ng pondo sa 2020

Hiniling ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na tanggalan ng pondo ang mga senador.

 

Banat ito ni Defensor sa naunang pahayag ni Senator Ping Lacson na umanoy may isiningit na pork funds sa 2020 proposed budget.

 

Giit ni Defensor, dapat na alisan ng pondo ang mga senador dahil sa kawalan ng constituency ng mga ito kung ikukumpara sa mga district representatives.


 

Suhestyon ng Kongresista, sa halip na ibigay sa mga senador ang pondo ay ideretso na lamang sa mga distrito ang pondo na direkta pang mapapakinabangan ng mga constituents.

 

Hinamon naman ni Defensor ang liderato ng senado na disiplinahin ang kanilang mga mambabatas.

Facebook Comments