Mga Senior Citizen sa Upi nakatanggap ng maagang pamasko

19

Nakatanggap ng maagang regalong pamasko mula sa Provincial Government ng Maguindanao ang mga senior citizen mula sa bayan ng Upi.

Kinabibilangan ito ng food packs, libreng check –up , gamut , at dental services sa isinagawang medical mission ng Peoples Medical Team. Abot sa 903 na mga lolo at lola ang mga nakabiyaya nito ayon pa sa impormasyong ipinarating ni Lynette Estandarte, Head ng Medical Team.

Ang aktibidad ay kasabay ng pag oobserba ng elderly week ng LGU Upi na may temang “Pagkilala sa Kakayahan Ambag at Paglahok ng mga Nakakatanda sa Lipunan”.

Ang MedCap ay kabilang pa rin sa mandato ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu na makapagbigay ng libreng serbisyo medical para sa kanyang mga kababayan.(DENNIS ARCON)




Facebook Comments