Kalibo, Aklan – Pinabibigyan ng prayoridad ng Provincial Government ng lalawigan ng Aklan sa Western Visayas Medical Center ang pagsagawa ng laboratory test sa mga specimen samples ng mga personnel ng Bureau of Fire Protection mula sa Aklan.
Ayon kay Governor Florencio Miraflores, nakasalalay umano sa resulta ng covid test ng mga BFP personnel ang tourism industry ng lalawigan dahil nagkaroon na aniya kaagad ng cancellation of hotel bookings matapos na nagpositibo sa corona virus disease ang 26 years old na firewoman na pumunta ng Boracay noong isang linggo.
Kabubukas lang aniya ng isla sa mga local tourist noong June 16, 2020 pero dahil sa nasabing pangyayari nagkaroon kaagad ng negatibong epekto sa mga turista.
Ang maagang confirmatory test ng specimen samples umano ng nasabing mga BFP personnel at kung lumabas na negatibo lahat ang resulta babalik din kaagad aniya ang tiwala ng mga local tourist na pumunta sa Boracay.
MGA SPECIMEN SAMPLES NG BFP MULA AKLAN PINABIBIGYAN NG PRAYORIDAD NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA WVMC
Facebook Comments