Lalaking galing sa birthday, sinaksak ng kainuman

Madalag, Aklan – Tama ng saksak sa dibdib at tagiliran ang natamo ng isang lalaki matapos na saksakin ng kainuman kagabi sa Brgy. Poblacion, Madalag, Aklan.
Ang biktim ay nakilalang si Generoso Juanito, 55-anyos habang ang suspek ay nakilala kay Dasel Nabor, 30-anyos parehong residente ng nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng Madalag, PNP, na magkasamang nag inuman ang dalawa sa isang birthday ang nag huli ay niyaya ng suspek ang biktima para ihatid ito pauwi.
Habang nasa daan na ang mga ito naglalakad ay doon nangyari ang pananaksak ng suspek sa biktima sa hindi pa matukoy na dahilan.
Matapos ang insidente ay agad na dinala ang biktima sa hospital para mabigyan ng tamang pag gamot habang ang suspek ay naka kulong na sa lock up cell ng Madalag PNP matapos na sumuko.

Facebook Comments