Mga STL outlet sa Gensan, inspeksyonin ng city permit

General Santos City—aasahan na ngayong linggo na magsasagawa ng surprisang inspection ang tanggapan ng City Permits and Licensing Office sa mga small town Lottery Outlet o STL dito sa lunsod ng Gensan.

Ito ang Kinumperma ni Geraldin Zamora department head ng nasabing ahensya, itoy matapos nakatanggap ito ng utos mula kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera.

Napag-alaman na noong nakaraang linggo, una nang nagpalabas ng cease and desist order si Mayor Ronnel Rivera laban sa Small Town Lottery Lotto operation dahil illegal ang kanilang operasyon sa Gensan.


Matatandaan na kinwestyon din ni City Councilor Atty Franklin Gacal Jr., ang legality ng STL dahil hindi umano ito dumaan sa Sangguniang Panlungsod para sa approval o concurrence sa operasyon ng STL.

Facebook Comments