Mga tauhan ng PCG na positibo sa COVID-19, 600 na

Umabot na ngayon sa 600 na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinamaan ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 297 ang active cases at 71 dito ang bagong kumpirmadong kaso.

Ayon sa Coast Guard, agad naman na-pullout sa kanilang mga istasyon ang mga nagpositibo sa virus at nabigyan na rin ng medical assistance para sa kanilang paggaling.


45 naman ang bagong recoveries sa hanay ng PCG kaya sa kabuuan 303 na sa kanila ang gumaling.

Tiniyak ng PCG na regular itong magsasagawa ng swab tests sa kanilang mga tauhan at may sapat na supply ng vitamins, PPE sets, at iba pa nilang pangangailangan sa duty.

Facebook Comments