Kalibo, Aklan — Umabot sa 80 na mga turista ang pumunta sa isla ng Boracay matapos na muli itong buksan sa domestic tourist simula ng isailalim ang probinsya ng Aklan sa General Community Quarantine (GCQ).
Base sa talaan ng Malay Municipal Tourism Office (MTO) mula Setyembre 1 hanggang 12 ay 11 dito ang galing sa Capiz, 10 sa Iloilo City, 2 sa probinsya ng Iloilo, 4 sa NCR, 2 sa Zamboanga del Sur at tig isa sa Batangas, Cebu at Negros Occidental habang 48 naman ang mga Aklanon.
Sa nasabing numero, 44 dito ang mga babae at 36 ang mga lalaki.
Matandaan na inihinto muna ang pagtanggap ng mga turista sa isla ng mahigit isang buwan matapos na isailalim ang probinsya ng Aklan sa Modified Enhance Community Quarantine dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Wala namang pinagbago sa mga requirements kapag pupunta sa isla kundi kailangan pa rin magsumite ng negative RT-PCR test result ang mga galing sa labas sa Western Visayas.
Mga turista na bumisita sa isla ng Boracay matapos muling buksan umabot sa 80
Facebook Comments