Mga turistang bumisita sa isla ng Boracay sa buong buwan ng Disyembre, nasa mahigit 100K

Kalibo, Aklan — Umabot sa 113,596 na mga turista ang bumisita sa isla ng Boracay mula Disyembre 1 hanggang 31, 2021. Ito ay base sa data ng Malay-Boracay Tourism Office (MBTO). Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamarami na umabot sa 49, 185; sinundan ito ng Iloilo City na 9, 237; Aklan na may 7, 651; Cavite na may 6, 724; Rizal 6, 133 at Iloilo Province 5, 934. Naitala rin ang numero ng iba pang mga lokal na turista galing sa ibang lugar. Dumami ang mga bumisita sa isla para doon magdiwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon. Samantala, sa kabila ng maraming turista ang bumisita sa isla, mahigpit pa rin na na ipinapatupad ang mga health and safety protocols. Naka monitor rin ang mga otoridad seguridad ng buong isla.
[image: 📸]: Malay-Boracay Tourism Office
Facebook Comments