Malay, Aklan — Idedeklarang “persona non grata” ng LGU-Malay ang mga turistang mahuhuling nameke ng kanilang COVID-19 test para makapasok sa isla ng Boracay.
Ayong kay Acting Mayor Frolibar Baustisa na ito ang napagkasunduan sa nakaraan nilang meeting na ang lokal na gobyerno ng Malay ay magpasa ng resolusyon na ideklarang “persona non grata’ ang mga mahuhuli sa pamemeke ng test para hindi na makapasok sa isla.
Kung matandaan na tatlong turista ang huling nahuli na nameke ng ng kanilang test kung saan ang mga ito ay naka quarantined sa quarantined facility sa Kalibo at mumultahan rin sa kanilang violation.
Sa ngayon ayon kay Bautista ay wala pang naitalang local transmission sa isla at ang mga establishments at residente ay sumusunod rin sa minimum health standards.
Samantala, ikinukunsidera rin ng lokal na pamahalaan ang proposal para sa mga hotels na i-verify muna ang mga guest kaugnay sa kanilang test bago i-confirm ang kanilang bookings.
Mga turistang mahuhuling nameke ngCOVID-19 test para makapasok sa Boracay, idedeklarang “persona non grata” ngLGU-Malay
Facebook Comments