Wednesday, March 18, 2026

MIAA, kumpiyansa na mataas pa rin ang volume ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan ngayong Semana Santa

Kumpiyansa ang Manila International Airport Authority (MIAA) marami pa ring mga pasahero ang uuwi sa mga lalawigan ngayong Semana Santa.

Sa harap ito ng pagtaas ng halaga ng presyo ng jet fuel dahil sa giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, pinaghahandaan na nila at ng New Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Infra Corporation ang inaasahang pagdagsa ng malaking volume ng air passengers simula sa susunod na linggo.

Kinumpirma naman ni Ines na sa ngayon ay hindi naman nabago ang bilang ng mga pasaherong dumadagsa sa NAIA sa kabila ng inaasahang pagtaas sa air fares.

Facebook Comments