Militar at BIFF nagkasagupa , 4 patay

Muling nagkaengkwentro ang hanay ng military at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Nabundas Area sa Shariff Saidona Mustapha sa Maguindanao.

Sa impormasyon mula sa 6th Id halos 30 minuto ang naging palitan ng putok ng dalawang grupo. Sinasabing mula sa grupo nina Kumander Noel Ganoy, Kumander Muslimin Amilil at Kumander Zainuddin Kiaro sa ilalim ng BIFF-Karialan Faction ang nakasagupa ng hanay ng 40th IB.

Apat sa mga BIFF ang nasawi sa engkwentro. Matapos na lisanin ng mga armado ang kanilang kuta narekober ng military ang isang M-16 Armalite rifle, M-14 Rifle, M79 grenade launcher, rocket propelled grenade at dalawang improvised explosive devices.


Ang operasyon ay kabilang pa rin sa combat clearing operation ng militar.
6th ID PIC

Facebook Comments