Militar nanguna sa RIDO Settlement sa Maguindanao

Muling nagkaayos ang dalawang pamilyang may matagal ng hidwaan sa mga boundaries ng Mamasapano at Rajah Buayan sa Maguindanao.

Pinangunahan ni 33rd Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Elmer Boongaling katuwang ang Moro Islamic Liberation Front at Local Officials ang pag-aayos sa Rido sa pagitan ng pamilyang Guiaman at Guiamelon.

Present sa okasyon si Commander Kagui Gani Guiaman at Commander Kagui Ali Guiamelon na kapwa inirerepresenta ang kani-kanilang mga pamilya.


Sinasabing nag-ugat ang away pamilya dahil sa lupa na nagresulta sa pagbubuwis ng buhay ng ilan sa mga ito.

Isinagawa ang Rido Settlement sa Town Hall ng Rajah Buayan at sinaksihan mismo ni Mayor Yacob “Jack” Ampatuan.

Dumalo rin sa maituturing na makasaysayang aktibidad sina Butch Malang Chairman ng MILF-CCCH, Datu Mastur Ampatuan ng 106th Base Command , Ustadz Wahid Tundok ng 118th Base Command, representante ng 105th Base Command na si Hadji Fahad Sapal, ,Datu Mackie Amapatuan ng LGU Mamamasapano at PNP Officials.

Nagpapasalamat naman si Col. Boongaling sa pakikiisa ng lahat ng sector para na rin sa kanilang isinusulong na kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments