MANILA – Hindi magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang kasunduan sa Estados Unidos, maipatupad lamang ang isinusulong niyang independent foreign policy.Kasabay pa rin ng kanyang state visit sa Japan, sinabi ng Pangulo na handa niyang i-abrogate ang military agreement sa US kung kinakailangan para mapaalis ang mga sundalong Amerikano sa bansa.Muli ring binigyang-diin ni Duterte na wala nang mangyayaring joint-military exercise sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa ilalim ng kanyang pamumuno.Umaasa rin siya na tuluyan nang mawawala ang prisensya ng foreign military troops sa bansa sa susunod na dalawang taon.
Facebook Comments