Milyon-Milyong Tulong sa ilalim ng TUPAD Program ng DOLE, Ipinasakamay na sa Isabela Government

*Cauayan City, Isabela*- Ipinasakamay na ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pamamagitan ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang cheke na nagkakahalaga ng P89,348,400.00 sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced o TUPAD.

Nananatili naman na matatag ang nasabing programa upang mabawasan ang kawalan ng trabaho at mabigyan ng tulong ang mga manggagawang Pilipino.

*“Batid naming marami sa ating mga kababayan dito ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa bagyo. Ito ang aming munting tulong para naman ay maging masaya pa rin ang pagsalubong niyo sa pasko at bagong taon”. Ani ni Sec. Bello.*


Sa ilalim ng programang TUPAD, bibigyan ng 10 araw ang mga manggagawang naglaan ng community service at may sasahuring P360.00 na minimum wage rate ng rehiyon.

Bilang dagdag na benepisyo ay ipapalista ang mga ito sa grupo ng micro-insurance sa loob ng isang taon na may kasamang Personal Protective Equipment (PPE).

Facebook Comments