Matagumpay na isinagawa kahapon ang Mindanao Security Summit na idinaos sa gymnasium ng Cotabato City State Polytechnic College na dinaluhan ni DND Secretary Delfin Lorenzana na kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte, WestMinCom Commander Lt.Gen.Arnel Dela Vega, Cotabatp city Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, CCSPC President Dammang Bantala, Maguindanao second district Board Member King Jazer Mangudadatu, Sultan Kudarat Governor Sultan Pax Mangudadatu,PRO-ARMM Director PC/Supt.Graciano Mijarez. Sinabi ni Sec.Lorenzana, na mahalagang makausap ang mga kabataan lalo na yung mga estudyante na vulnerable sa mga recruitment na ginagawa ng mga teroristang grupo para Preventing and Countering Violent Extremism. Hinikayat nito ang lahat na makipagtulungan sa gobyerno para hindi magtagumpay ang mga naghahasik ng kasamaan sa bansa. Siyay nagpasalamat kay Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi dahil sa aktibo nitong pagbabantay sa lungsod sa pamamagitan ng ginagawang pagroronda lalo nasa gabi. Hangad ng mga dumalo kahapon na isaisip nawa ng mga mag-aaral ang kanilang ibinigay na mensahe upang sila na mismo sa sarili nila ang magwaksi sa violent extremism.
Mindanao Security Summit matagumpay na inilunsad
Facebook Comments