Mining Free Zone, Isinusulong!

Baguio, Philippines – Bilang tugon ng ilang mambabatas ng Baguio city sa mga lumalaking geohazards at ilang mga banta ng kalikasan sa syudad, naghain ng bill si Congressman at House Representative Marquez “Mark” Go na nagdedeklara sa Baguio City bilang isang Mining Free zone o walang pagmimina sa syudad.

Buo naman ang suporta ng Mines and Geosciences Bureau–Cordillera o MGB–CAR sa nasabing bill na kung ito ay maipapasa bilang isang batas, lahat ng mga aktibitadad patungkol sa pagmimina sa loob ng syudad, istriktong ipagbabawal na,kasama na ang small-scale mining at quarrying kahit may exploration permits, lisensya, at kontrata, ay babawiin ng gobyerno at bibigyan naman ng isang taon bago isara ang mga operasyon ng small-scale miners at magsasagawa ng rehabilitasyon at reforestation sa mga naapektong lugar, yan ay ayon sa House Bill o HB 5619.

Matatandaang may dalawang mineral reservoir na ipronoklama sa Baguio City ni dating Presidente Carlos Garcia kung saan malayo ito sa Baguio Townsire Reservation kung saan isa sa  mga lugar ng sakop ng Proclamation 414 series of 1957 ang 380 na ektarya sa mga barangay ng Loakan Apugan, Atok Trail at Kias at ang mga lugar naman na sakop ng Proclamation 572 series of 1959 na may 159 na ektarya sumasakop sa Barangay Mines View at Lucban.


Bukas naman ang kongresista sa request ng MGB sa posibilidad na pagbubukod sa mga nasabing proclamation kasunod ang ilang mga pagpapaliwanag sa kanilang comite sa mababang kapulungan.

Nakatanggap din ang MGB-CAR ng anim na aplikante ng small-scale mining association na inaantay ang tugon ng pag-apruba ng City Mining Regulatory Board.

iDOL, talaga bang walang nagmimina sa Baguio?

Facebook Comments