Misis sumama sa iba, Mister nagpakamatay

Patay na ng matagpuan ng kanyang mga kaanak ang isang 30 anyos na pintor matapos magbigti gamit ang isang nylon cord sa bahagi ng Purok Masagana Brgy RH 10 sa syudad.

Hindi aniya matanggap ng biktimang si Joel Atadlan na iniwan ito ng kanyang kinasama ayon pa sa mga kaanak nito sa panayam ng DXMY. Sinasabing inihatid pa ni Joel ang kanyang kinakasamang si Geraldine sa Terminal na patungong Pagadian City kahapon ng umaga.

Dahil sa sama ng loob, walang tigil umano sa pag inum ng alak mula umaga hanggang kagabi si Joel at pasado alas syete ngayong umaga ng madiskubre itong nakabitin at patay na.


Ito na rin aniya ang ikalawang pagkakataon na tinangkang tapusin ni Joel ang kanyang sariling buhay. Habang panghihinayang na lamang para sa kay Joel ang nadarama ngayon ng kanyang kapamilya dahil sa bugso ng damdamin.
Samantala napag alaman mula sa kanyang kaanak na may iba na rin palang kinakasama ang nang-iwang Live- In partner ni Joel.

Facebook Comments