Saturday, June 13, 2026

Overimportation ng sibuyas at iba pang agricultural goods, pinaiimbestigahan ng isang senador

Paiimbestigahan ni Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairman Kiko Pangilinan ang sobra-sobrang importasyon ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

Kaugnay na rin ito sa inabandonang P86 million na halaga ng imported na pulang sibuyas na iniwan lang sa Manila International Container Port (MICP).

Asahan aniya ang pagkakasa ng imbestigasyon sa mga susunod na araw tungkol sa overimportation ng agricultural goods gayundin ang ulat na hinaharang ng mga operators ang access ng mga magsasaka at mangingisda sa cold storage dahilan ng pagkalugi at pagkabulok ng mga pananim.

Kasama sa ipapatawag ang mga binigyan ng permit para makapag-operate ng cold storage para maipaliwanag ang overimportation at ang isyu na inirereserba sa mga traders ang cold storage at walang mapag-imbakan ang mga magsasaka.

Sinita rin ni Pangilinan ang pagkakaiba sa datos ng Department of Agriculture (DA) at ibang mga ahensya tungkol sa domestic supply at demand sa sibuyas dahil pwede itong mauwi sa oversupply at papatayin nito ang kabuhayan ng mga magsisibuyas na magsasaka

Facebook Comments